Kim Chiu ayaw na patulan putak ni Xian Lim

Kung si Xian Lim ay patuloy sa pagpapa-interview tungkol sa hiwalayan kay Kim Chiu, para sa aktres ay panahon na para tigilan na ang issue.

Kung si Xian Lim ay patuloy sa pagpapa-interview tungkol sa hiwalayan kay Kim Chiu, para sa aktres ay panahon na para tigilan na ang issue.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Kim, sinabi nito na hindi na niya gusto pang ungkatin ang past tungkol sa kanyang ex-boyfriend.

“Entering 2024, sabi ko talaga, I just want a fresh start, new beginning, and I don’t want to dwell sa past,” lahad ni Kim.

Aniya, noong mag-post siya tungkol sa hiwalayan nila noong nakaraang tao ay ‘yon na lang ang mananatiling statement niya tungkol sa break-up nila ni Xian.

“Parang yung post ko nung December, sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito,” saad ni Kim, kaya naman nabigla ito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang issue.

“Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” ayon sa aktres.

Aniya, mas mabuti na huwag nang pag-usapan ang issue para manatili ang respeto nila ni Xian sa isa’t isa.

“It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama yung loob ko,” saad ni Kim.