Kilos-kilos laban sa climate change: Pagtatag ng polisiyang susuporta sa ‘blue economy’ isinusulong sa Kamara

Hinimok ng isang mambabatas ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na suportahan at aprubahan ang mga panukalang batas na nagsusulong ng “blue economy” o ang responsableng paggamit ng mga yamang dagat.

Hinimok ng isang mambabatas ang kanyang mga kasamahan sa House of Representatives na suportahan at aprubahan ang mga panukalang batas na nagsusulong ng “blue economy” o ang responsableng paggamit ng mga yamang dagat.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Setyembre 1, sinabi ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na dapat unahin ang pagpasa ng iba’t ibang panukalang batas na magtataguyod sa blue economy dahil ito ay isa sa mga priority legislation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang panawagang ito ay dahil na rin sa mga nakaambang epekto nang pagbabago ng klima o climate change, giit ni Yamsuan.

“The passage of this Act is among the key legislative priorities under the guidance of President Ferdinand R. Marcos Jr. The reason behind this focus is evident: as an archipelagic country, it is high time that the Philippines prioritize its marine resources and leverage them to cultivate a robust economy, while contributing meaningfully to global efforts in sustainability,” paliwanag ni Yamsuan.

Isa si Yamsuan sa mga co-author ng House Bill No. 8708, na naglalayun ring isulong ang blue economy sa bansa. Ang kanyang kapwa co-authors ay sina Camarines Sur Reps. LRay Villafuerte, Miguel Luis Villafuerte, at Tsuyoshi Anthony Horibata.

Ang nasabing panukala ay isa lamang sa pitong House bills na nakabinbin ngayon sa kumite ng economic affairs ng Kamara.