‘Killua’ positibo sa rabies, pero kaso sa kanyang killer tuloy pa rin! – PAWS

Positibo sa virus na rabies ang golden retriever na si Killua, ayon sa animal rights group na Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Positibo sa virus na rabies ang golden retriever na si Killua, ayon sa animal rights group na Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Kamakailan ay nag-trending ang pagpaslang sa naturang aso matapos paluin ito ng isang tanod sa Bato, Camarines Sur.

Dahil dito, nagpayo ang PAWS na magpaturok ng anti-rabies ang mga nakagat at nakalmot ni Killua.

“This includes pet owner Vina Arazas who hugged the bloodied body of her beloved dog when she found him at a known dog slaughter area in Sta Cruz, Bato, Camarines Sur,” saad ng PAWS.

Subalit paglilinaw ng PAWS, maaaring hindi tama ang naturang test kay Killua sapagkat nailibing na umano ito bago gawin ang rabies test.

Samanatala, sinabi din ng PAWS na itutuloy nila ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa lalaking itinuturong pumatay kay Killua dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 8485, or the Animal Welfare Act of 1998 at RA 982 o ang Anti-Rabies Act, dahil umano sa pagbebenta nito ng karne ng aso.

Ayon sa mga report, nakalabas ng kanilang bahay si Killua matapos tumalon mula sa bubungan noong Linggo ng 5 a.m.

Inatake di umano ng aso ang isang matandang babae na dahilan para habulin at patayin ito ng lalaking tinuturong tanod sa lugar.

Patay na at sinilid sa sako ang kawawang aso nang hanapin at makita ng kaniyang amo.