Kilalang aktres, humiling ng tulong sa publiko matapos ang pamamaslang sa tiyahin

Hindi na naikubli ng aktres ang hinagpis at galit sa hinihinalang salarin, na diumano'y dating lulong sa droga. At ano nga ba ang nakikitang motibo ng mga awtoridad?

Nanawagan sa publiko ang aktres na si Coleen Garcia-Crawford na tulungan ang mga awtoridad sa pagtugis sa pinaghihinalaang pumaslang sa tiyahin nito, na kapatid ng kaniyang step mother.

Two nights ago, he made his way into my dad’s house and stabbed my stepmom’s sister, Canice [Seming], to death. She was found to have over 15 stab wounds. He has a record of drug abuse, and is suspected to have been under the influence that night,” saad ng aktres sa isang Facebook post apat na araw matapos ang malagim na insidente, na naganap pa diumano sa bahay ng tatay mismo ng aktres.

Pinaghahanap na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek na tinukoy ng aktres na si Art Villacasin, na aniya’y dating ka-live-in ni Candice. Nakipag-hiwalay umano ang babae sa suspek dalawang araw bago ang insidente.

Kanya naman sinisilip ng PNP ang naturang paghihiwalay bilang posibleng motibo ng suspek.

“She [Canice] left him and blocked him because apparently he’d been constantly threatening her, even saying he plans to kill her seven children,” salaysay pa ni Garcia-Crawford. “He never threatened my family prior to what happened. Canice had just arrived in my dad’s house, and he showed up looking for his partner, who was at our house at that time with my family…”

Natagpuang patay si Canice sa sala noong Disyembre 20.