Kiko Matos nagparinig kay Rendon, Rosmar: Sarap magbakasyon sa Palawan!

Tila nagparinig ang vlogger na si Kiko Matos sa kanyang kapwa vlogger na sina Rendon Labador at Rosmar Tan.

Tila nagparinig ang vlogger na si Kiko Matos sa kanyang kapwa vlogger na sina Rendon Labador at Rosmar Tan.

Matatandaang kamakailan ay idineklarang persona non grata sina Rendon at Rosmar matapos nilang manigaw ng babae sa Coron, Palawan.

Sa Facebook, ibinahagi ni Kiko ang larawan niya sa El Nido, Palawan.

Caption nito: “Ang sarap talaga magbakasyon sa Palawan, lalo na at hindi tayo persona non grata.”

Hindi rin nagpatinag si Kiko at minention pa si Rendon sa comment section: “Tag ko pa ‘yang ********* ‘yan, himala na lang kung sasagot ‘yan.”

Samantala, nauna nang humingi ng paumanhin ang dalawa sa babaeng nasigawan at sa mga netizen na hindi nagustuhan ang kanilang inasal.

Matatandaang dati nang nasangkot si Matos at Labador sa isang away na umabot sa pisikalan.

TINGNAN: