Kelot putol kamay sa taga ng kamag-anak

Naputol ang kanang kamay ng isang lalaki matapos itong tagain ng nakaalitang kamag-anak sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon.

Naputol ang kanang kamay ng isang lalaki matapos itong tagain ng nakaalitang kamag-anak sa Brgy. Sto. Domingo, Irosin, Sorsogon.

Nangyari ang insidente bandang alas-11 ng gabi noong April 6.

Nagbabantay lang umano ng sari-sari store ang biktimang si Benjie Balaoro Jr. nang lapitan ito ni Tirso Balaoro, 27-anyos, isang security guard.

Nagkaroon umano ng alitan ang dalawa hanggang sa dumukot ng bolo ang suspek at tinaga ang biktima.

Natamaan ang kanang kamay ng biktima dahilan para maputol ito.

Agad na tumakas ang suspek ngunit nahuli rin kalaunan sa katabing barangay.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek, habang ang biktima ay nagpapagaling pa sa Sorsogon Provincial Hospital.