Kayo na bahala: Pagkansela ng pasok dahil sa tigil-pasada, desisyon na ng LGU — DepEd

Una nang inanunsyo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide na magtitigil-pasada ito mula Nobyembre 20 hanggang 22.

Hindi sususpindihin ng Department of Education (DepEd) ang mga klase kahit pa may malawakang tigil-pasada na ikinasa mula Nobyembre 20 hanggang 22.

“No cancellation of classes will be issued by the Department of Education (DepEd),” sabi ng DepEd sa isang advisory nitong Sabado, Nobyembre 28.

Gayunpaman, sinabi ng DepEd na maaaring magdeklara ng suspensyon ng klase ang mga local government units (LGU) batay na rin sa mga sitwasyon sa kani-kanilang nasasakupan.

“Unless local government units announce cancellation and/ or suspension of classes in their respective jurisdictions, schools shall hold classes without disruption,” dagdag ng DepEd.

Una nang inanunsyo ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magsasagawa ng titigil-pasada ito mula Nobyembre 20 hanggang 22 bilang protesta sa public utility vehicle modernization program.