Kayo ang bully! PCG sinupalpal diyaryo ng China

Nakipagpalitan ng maaanghang na salita si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa Global Times, isang pahayagan sa China.

Nakipagpalitan ng maaanghang na salita si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela sa Global Times, isang pahayagan sa China.

Nag-ugat ang sagutan nila nang mag-post sa X (dating Twitter) ng editorial cartoon ang Global Times kung saan inakusahan nito ang Pilipinas na siyang nagsisimula ng tensyon sa WPS.

Hindi ito pinalampas ni Tarriela.

“The current tension in the West Philippine Sea is caused by the People’s Republic of China unilaterally changing the status quo to serve the illegitimate interests of the Chinese Communist Party. In total disregard of the United Nations Convention on the Law of the Sea, China’s highly unprofessional and irrational decisions and actions, which is an extremely dangerous brinkmanship of conflict,” saad sa post ni Tarriela.

Rumesbak naman ang Global Times, at sinabing: “It appears that you are so afraid of us speaking the truth that you cannot wait to twist it. If it weren’t for 🇵🇭’s provocations, there wouldn’t have been chaos in the South China Sea. Your self-believed humorous mimicry actually serves to cover up the awkwardness of being exposed by the truth.”

Muli namang tumugon si Tarriela, sa kanyang post noong Huwebes.

“It appears that you are so afraid of us speaking the truth that you always choose to twist it. If it weren’t for China’s bullying behavior, provocative actions and illegal presence, there will be no chaos in the South China Sea. Your elaborative lies and detailed fake narratives will not cover up your ambitious intention of domination,” saad sa post ng PCG spokesperson.

Patuloy ang China sa pag-aangkin ng mga teritoryo ng Pilipinas sa WPS. Nanindigan naman ang administrasyon na hindi nila isusuko ang kahit katiting na bahagi ng bansa sa mga dayuhan.