Kaya within this year? DENR, tutulong sa mga small-scale miners na irehistro, gawing legit ang operasyon, isang taon matapos ipagutos ni PBBM

Ipinagutos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2022 sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tulungan ang mga small-scale miners na gawing lehitimo ang kanilang operasyon.

Balak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagrehistro ang mga small-scale miners at lumikha ng organisasyon para sa kanila na tutulong gawing pormal ang kanilang operasyon, ayon sa isang opisyal.

“We’re looking to register small scale miners, individually, at first, followed by the establishment of a loose organization as the foundation for a more formal association,” paliwanag ni Environment Undersecretary Carlos Primo David sa isang pahayag.

“Sort of like a cooperative towards a Minahang Bayan registration,” dagdag pa niya.

Unang ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DENR na tulungan ang mga small-scale miners na gawing lehitimo ang kanilang operasyon.

“Gusto natin ma-legalize ang mga small-scale mining firms kasi madami sa kanila illegal, kaya walang protection ang mga minero,” sinabi ni Pangulong Marcos noong 2022.

“Gusto nating palakasin ang regulatory framework para maka-operate sila ng legal, upang mabigyan ang ating minero ng assistance at protection para sa ligtas nilang pagtatrabaho,” dagdag pa niya.

Paliwanag ni David, kadalasang illegal ang operasyon ng mga small-scale miners at walang sapat na proteksyon, kaya ang pagsasa-legal nila ay makakatulong sa pagsulong ng mga safety measures at iba pang requirements.