Kaya tsugi sa GMA: TAPE-Jalosjos nabaon daw sa utang?

Lumobo na ang utang ng TAPE Inc. ng mga Jalosjos kaya biglaan ang pagkawala sa ere ng 'Tahanang Pinakamasaya'.

Lumobo na ang utang ng TAPE Inc. ng mga Jalosjos kaya biglaan ang pagkawala sa ere ng ‘Tahanang Pinakamasaya’.

Ayon sa report ng Bilyonaryo, isang video ang kanilang nakuha kung saan kinausap ni TAPE President and CEO Jon-jon Jalosjos ang kanilang mga empleyado para ianunsyo ang pagkatigil ng produksyon ng kanilang noontime show.

BASAHIN:

Ayaw ng magsunog ng pera! Gozon, Jalosjos reportedly shutting downinsipid GMA noontime show that flopped in filling up ‘Eat Bulaga’ void

Saad ni Jalosjos, lumobo na ang kanilang pagkakautang sa GMA Network dahilan para hindi na nila kayaning tustusan ang pag-produce ng pumalit na programa sa ‘Eat Bulaga’.

“Sinubukan nating lahat ng ating makakaya… Dumating ang panahon na lumobo nang lumobo ang utang natin sa GMA,” ayon kay Jon-jon.

Isa sa pinunto ni Jalosjos ay may ilang executive umano ng TAPE ang pinili mag-early retirement.

Aniya, may isa umanong nakakuha ng abot sa P18 million na payout dahil sa maagang pagreretiro.

Nang mag-takeover umano ang kanilang pamilya ay nakita nila ang mga reports na malaki ang diperensya sa expense at income ng noontime show dahilan para malugi ito.

Tila may patama rin ang TAPE CEO sa mga umalis na host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

“Salamat sa inyo, naniwala tayo. Hindi ko alam kung planado… basta alam ko lang, ang galing. Sa pag-alis nila may bagong show sila,” sambit ni Jalosjos.

Matatandaan na noong Mayo 2023 ay kumalas na ang TVJ sa TAPE Inc. dahil sa iba’t ibang issue. July ng parehong taon ay sinimulan nilang iere ang ‘E.A.T’ sa TV5, hanggang sa kalaunan ay kinatigan sila ng korte para makuha ang copyright ng pangalang ‘Eat Bulaga’.