Kaya pinutol ulo? Sharon pumiyok sa away kay Kiko

Nagsalita na si Sharon Cuneta sa nag-viral na Instagram post niya kung saan makikitang 'putol' ang ulo ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan.

Nagsalita na si Sharon Cuneta sa nag-viral na Instagram post niya kung saan makikitang ‘putol’ ang ulo ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan.

Sa isang event, sinabi ni Shawie na noong i-post daw niya ‘yon ay aminado siyang may hindi sila pagkaka-unawaan ng kanyang mister.

“Nag-aaway kami nun, sorry. You know, we have problems, that’s another thing. How stupid was I, ‘di ba?” sambit ni Sharon.

Pero giit niya, gusto lang daw niya talagang i-post ang larawan ng kanyang apat na anak. Ngunit wala umano siyang makitang picture na hindi nila kasama si Kiko kaya na-crop niya ito.

“Pagka-post ko, ‘Oh my God’. Mukha akong tanga na bakit ko pinost, eh, pugot ng asawa ko,” sey pa ng celebrity.

Paliwanag ni Sharon, normal naman daw sa mag-asawa ang nagkakaroon ng problema. Ang mahalaga aniya ay naaayos nila ito.