Kaya pala tahimik? Subpoena vs. Roque, Banat By inilabas na

Inilabas na ang subpoena laban kina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at vlogger Banat By para sa kasong cyber libel.

Inilabas na ang subpoena laban kina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at vlogger Banat By para sa kasong cyber libel.

Ito ang ipinahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa platform X, kalakip ang dalawang kopya ng naturang dokumento.

Bukod pa riyan, kasama rin sa sinampahan ng kaso ni Trillanes ang ilang hosts ng Sonshine Media Network International (SMNI) at ilan pa umanong mga “pro-Duterte vloggers at trolls.”

“The subpoenas are out,” post ni Trillanes.

Matatandaang noong Mayo 14 ay nagsampa ng libel at cyber libel si Trillanes dahil umano sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa kaniya.