Kaya nagpakasal? Ria Atayde buntis na – Cristy Fermin

Binunyag ni Cristy Fermin na buntis na umano ang aktres na si Ria Atayde.

Binunyag ni Cristy Fermin na buntis na umano ang aktres na si Ria Atayde.

Sa ‘Cristy Ferminute’ sinabi ng batikang showbiz columnist na nagdadalang-tao na ang misis ni Zanjoe Marudo.

Tatlong buwan na umanong buntis si Ria, na ikinatuwa ng kani-kanilang pamilya.

“Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” saad ni Fermin.

Maraming netizen naman ang natuwa sa pagdadalang-tao ni Ria.

Ito’y matapos na mapaulat noon na may PCOS ang aktres, isang kondisyon kung saan mahirap mabuntis ang isang babae.

Matatandaan na ikinasal ang dalawa noong nakaraang taon kung saan si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nag-officiate.