Kaya laging kinakanyon! Roque pumiyok sa Duterte-China deal sa BRP Sierra Madre

Nilantad ni ex-presidential spokesman Harry Roque ang dahilan kung bakit laging binubugahan ng water cannon ng China ang mga barko ng Pilipinas na pumupunta sa BRP Sierra Madre.

Nilantad ni ex-presidential spokesman Harry Roque ang dahilan kung bakit laging binubugahan ng water cannon ng China ang mga barko ng Pilipinas na pumupunta sa BRP Sierra Madre.

Sa Politiskoop, sinabi ni Roque na hindi naman ‘secret deal’ ang nangyari sa pagitan nina ex-President Rodrigo Duterte at ng China.

Aniya, inanunsyo na ni dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang kasunduan ng Duterte administration na ‘status quo’ ang Pilipinas at China pagdating sa barko na nasa Ayungin Shoal.

“Ang kasunduan nila (Duterte at China), status quo . Walang gagalaw, walang gagawa ng kahit anong improvements at walang magiging problema,” ayon kay Roque.

Ang kasunduan umano ay tanging pagkain at tubig lang ang ibibigay sa mga nakaistasyon sa BRP Sierra Madre.

Pero nagsimula raw magpasok ng mga construction at repair materials ang mga nagre-resupply sa BRP Sierra Madre, dahilan para umaksyon ang China.

“Ang reklamo ng China ngayon, taliwas sa naging kasunduan nung nakaraan ay nagdadala sila ng mga repair equipments para ayusin ‘yung Sierra Madre kaya ganyan ang reaksyon ng China,” wika ni Roque.

Payo ni Roque, dapat makipag-usap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China at gumawa ng sariling kasunduan para matigil ang pangha-harass ng China sa Ayungin Shoal.