Kawatan nagpanggap na kamag-anak sa burol, nakikain at dumekwat ng cellphone!

Isang lalaki ang binubog ng magkakamag-anak sa Cebu City matapos magnakaw ng cellphone habang nasa burol.

Isang lalaki ang binubog ng magkakamag-anak sa Cebu City matapos magnakaw ng cellphone habang nasa burol.

Kwento ng mga saksi, nakikain at nagkape pa ang suspek na nagkukunwaring nakikiramay sa namatayan.

Nagawa pa raw makipaghuntahan ng lalaki sa iba pang mga nakikilamay.

Nakita umano ng mga tao ang pagdampot nito sa isang naka-charge na selpon kaya naman hinabol at ginulpi siya ng mga taong dumalo sa burol.

Dati na palang wanted ang suspek at naka-paskil pa ang mukha sa gusali, ayon sa security guard ng punerarya.

Hindi naman sinampahan ng kaso ng kamag-anak ng namatayan ang suspek nang dumating ang mga pulis sa lugar.