Kawatan huli matapos ibenta at ipa-test drive ninakaw na motor sa may-ari

Arestado ang dalawang magnanakaw ng motorosiklo matapos nitong pagbentahan at ipa-test drive ang mismong may-ari.

Arestado ang dalawang magnanakaw ng motorosiklo matapos nitong pagbentahan at ipa-test drive ang mismong may-ari.

Base sa ulat, nagtagpo ang mga suspek at ang biktima kasama ang kapatid nito sa North Fairview para masubukan ang binebentang nakaw na motor.

Ayon sa awtoridad, papasok sana siya bandang alas-10 ng umaga nang mapansin na wala na sa harap ng bahay ang kanyang nakaparadang motor.

Agad naman nila itong iniulat sa pulisya, subalit laking gulat nila nang makita nilang binebenta na online ang motor.

“May features like gasgas na sila lang ang nakakaalam. Nakita nila na motor nila ‘yung ibinibenta agad online. So nakipag-transact agad ‘yung kapatid ng victim doon sa suspects,” pahayag ni Batasan Police Station Commander na si Police Lieutenant Colonel Jerry Castillo sa Unang Balita.

“Pinatest drive pa ng mga suspect doon sa victim at sa kapatid niya. So pinaandar. Then noong mabuksan doon sa compartment, andu’n ‘yung OR/CR na nakapangalan sa victim,” dagdag pa nito.

Nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016.