Kawalan ng unity! Sinibak na opisyal ng DOF, hindi kailanman sinuportahan ang pamahalaan ni PBBM – ES Bersamin

Ayon sa Malacañang, dapat lamang sibakin sa pwesto si Finance Undersecretary Cielo Magno dahil hindi naman nito sinusuportahan ang pamahalaan ni PBBM at bagkus ay tila sinisiraan pa ito.

Kawalan nang suporta sa pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dahilan kung bakit sinibak ng Palasyo si Department of Finance Undersecretary Cielo Magno.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi sinusuportahan ni Magno ang pamunuan ni Pangulong Marcos at tila sinisiraan pa ito ang mga programa nito, gaya nang pagpapataw ng price ceiling sa presyo ng bigas.

“Instead of working together with colleagues in the government to address any concerns, they were instead constantly done so through public fora,” ani Bersamin.

“The termination of her appointment could only be expected as she clearly does not support the administration and its programs for nation-building,” pagdidiin ni Bersamin. “While we support anyone’s right to free speech, it would be counter-intuitive to have someone be part of the administration who was clearly set on maligning it to begin with.”

Matatandaang una nang inanunsyo ni Magno ang kanyang pagbibitiw effective Setyembre 16, matapos siyang mag-post sa Facebook ng chart tungkol sa law of supply and demand na maaaring ituring na isang pag-atake sa nasabing price ceiling sa presyo ng bigas