Kathryn pinainit entablado sa kanyang sexy dance

Napanganga ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo matapos nitong magpakitang gilas sa kanyang sexy dance performance nitong Hulyo 9.

Napanganga ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo matapos nitong magpakitang gilas sa kanyang sexy dance performance nitong Hulyo 9.

Ibinida kasi ni Kathryn ang kanyang “Superbod” sa isinagawang Century Tuna Superbods 2024 sa Marriott Manila Hotel.

Sa social media, trending ang pagsayaw ng aktres sa kantang “Training Season” ni Dua Lipa.

Kasama pa ni Kathryn na mag-perform ang G-Force, na siyang bumuo sa mga dance moves.

Samantala, narito naman ang reaksyon ng mga netizen:

“Napakasexy, napakaganda, and napakahusay.”

“Super galing. Talented and well respected person. Beautiful inside and out. Love you Kath.”

“Ang galing ng transition niya from a child star to a teen star now to more mature roles has been perfect especially 28 years old na siya, so nasa right age and good timing lahat. Hindi minadali. Nagsimula sa last movie niya medyo wild, ibang character tapos sa mga outfits and photo shoots tapos sunod-sunod na mga product endorsements. Hindi niya binigla yung mga fans. Kaya kung meron pa mag bash sa kanya kung ano siya ngayon, ewan ko na lang, makitid na talaga ang mga utak ng mga yan. Hindi na ako mabibigla, actually excited ako kung ano kalalabasan ng ‘Hello Love, Again’.”

PANOORIN: