Kasunduan sa China itanong kay Digong – Tulfo

Itinuro ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo si dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang makakasagot kung nakipag-kasundo ang Pilipinas sa China tungkol sa Ayungin Shoal.

Itinuro ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo si dating Pangulong Rodrigo Duterte na siyang makakasagot kung nakipag-kasundo ang Pilipinas sa China tungkol sa Ayungin Shoal.

“Siguro po ang right person na sasagot ho diyan ay ang dating pangulo. Kasi hindi naman ho ako, kami, privy, maging ang administrasyon po na ito,” wika ni Tulfo sa isang press conference ngayong Huwebes.

“So maganda po siguro, the former president will answer that kung meron bang kasunduan. Kasi I believe before, previously, sinasabi nila wala, dineny nila ‘yung sa Ayungin Shoal na yan,” dagdag pa ni Tulfo, na tumatayong deputy Majority Leader ng Kamara.

Ang kasunduan ng Pilipinas at China sa Ayungin shoal ay usap-usapang nagmula sa isa umanong Chinese diplomat.

Bagamat usap-usapan lamang, ang kasunduan ay nababanggit sa tuwing hina-harrass ng China ang Pilipinas sa Ayungin Shoal.

“It would be better, and the right person to ask that question and answer it is ‘yung dating pangulo,” wika pa ni Tulfo.