Kasuhan na yan! Suspek sa pagsabog sa NAIA, nasakote na

Kalaboso ang isang lalaki na umaming naghagis ng Molotov bomb sa open parking ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Setyembre.

Naaresto na noon pang Setyembre 28 ang diumano’y naghagis ng Molotov bomb sa open parking ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Setyembre 23.

Umamin na umano ang suspect, na kinilalang si Renieldo Dela Peña Perez, na siya ang nasa likod ng pagsabog.

Ayon rin sa kanya, siya rin mismo ang gumawa ng Molotov bomb na nakapinsala sa tatlong sasakyan.

Walang naulat na nasaktan sa nangyaring pagsabog.

Ayon naman sa pulisya, dating taxi driver si Perez, na kakasuhan naman ng attempted arson at alarm and scandal ng Manila International Airport Authority.

Nakakulong ngayon si Perez sa Pasay City jail.