Kasuhan na ‘yan! Pilipinas, ihahabla ang China matapos maglagay ng floating barrier sa Scarborough Shoal

Pinag-iisipang mabuti ng pamahalaan kung ihahabla nito ang China matapos maglagay ang Chinese Coast Guard ng floating barrier sa Scarborough Shoal, na isang panghihimasok sa teritoryo ng bansa.

Masusing pinag-aaralan ng gobyerno ang pag-file ng kaso kontra China matapos maglagay ang Chinese Coast Guard ng floating barrier sa Scarborough Shoal, o kilala rin bilang Bajo de Masinloc.

Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa mamamahayag na si Anthony Taberna na ang paghahabla sa China ay isa sa mga hakbang na tinitignan ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang igiit ang mga Karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“This is the position that the government will take most likely. We have always conducted our relations, [our] foreign policy on a strictly diplomatic tact. Wala tayong aggressiveness or aggression or what,” paliwanag ni Bersamin.

“But whether or not we will file another case against China is one of the options, and I think our lawyers are seriously giving this a study,” ayon sa opisyal.

Matatandaang tila nagbanta pa ang China sa Pilipinas, na hinikayat nitong huwag magpasiklab ng tensiyon matapos nitong tanggalin ang nasabing floating barrier.