Kasuhan ang mga Chinese militia na sumira sa Rozul Reef – DOJ

Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang China bunsod ng ulat ng militar na may mga nasirang corals at bahura sa Rozul Reef matapos mamataan dito ang mga Chinese militia vessels.

Dapat sampahan ng kaso ang China dahil sa pagkasira sa mga corals sa Rozul Reef.

Inirekomenda ito ng Department of Justice matapos ang masusing pag-aaral sa pangyayaring iniulat ng Armed Forces of the Philippines Western Command, na unang nakatuklas sa mga nawawalang corals sa Rozul Reef matapos nitong mamataan ang mga Chinese militia vessels.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ipapaabot niya sa lalong madaling panahon kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang rekomendasyon ng DOJ.

“We are recommending the filing of such cases against the perpetrators of this evil act, which is the destruction of the environment,” pahayag ni Remulla. “We believe it can be done. We will pursue these cases against China because it’s no longer acceptable. We have a lot of evidence.”

Dagdag pa ni Remulla, hihingi ng tulong ang pamahalaan sa mga environmental lawyers hinggil sa kasong ito.