Kasuhan agad! COMELEC, bantay-sarado sa vote-buying, mga lalabag sa anti-political dynasty sa BSKE

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na sumunod sa mga umiiral na alituntunin sa kampanya at huwag magtubiling magsampa ng kaso laban sa mga karibal na lalabag sa mga batas sa halalan.

Hinikayat ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na sumunod sa mga umiiral na alituntunin sa kampanya at huwag magtubiling magsampa ng kaso laban sa mga karibal na lalabag sa mga batas sa halalan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na umaasa sila sa pagbabantay ng mga kandidato para maiwasan ang mga paglabag sa batas. Kabilang na mga mahigpit na binabantayan ng komisyon ay ang ang pagbabawal sa mga political dynasty at pagbili ng boto o vote buying.

“We welcome the filing of disqualification cases by their rival SK candidates or any interested parties against those who are relatives of incumbent national or local officials,” sambit ni Garcia.

Kaugnay rito ay binuo na ng COMELEC ang “Kontra Bigay,” isang grupong naglalayong kontrahin ang pagbili ng boto sa darating na BSKE.

Ayon sa abogadong si Jerbee Cortez, assistant regional director ng COMELEC Region 2, ang Kontra Bigay ay ang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Integrated Bar of the Philippines, National Bureau of Investigation, Philippine Information Agency, Bangko Sentral ng Pilipinas, Anti-Money Laundering Council, at Philippine Association of Law Schools.

Dagdag pa ni Cortez, mahalagang instrumento ang grupo sa pagpigil sa pagbili ng boto dahil binibigyan nito ng karapatan ang lahat sa pag-uulat ng mga anomalya sa halalan sa kani-kanilang lugar.