Kasong tax evasion, hinahanda ng BIR laban kay Alice Guo

Kasong tax fraud ang inihahanda ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Kasong tax fraud ang inihahanda ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Ayon kay Commissioner Lumagui, direkta niyang inutusan ang mga kinauukulang tanggapan ng revenue upang masusing imbestigahan hindi lamang si Mayor Guo, kundi pati na rin ang iba pang mga indibidwal at kumpanya na napangalanan sa kasalukuyang pagdinig ng Senado.

“If the BIR finds evidence of tax evasion, we will take all necessary enforcement actions, including filing tax evasion cases,” wika ni Commissioner Lumagui.

Aniya, maaaring sampahan ng criminal charges para sa tax evasion si Mayor Guo kung ang kita na idineklara sa BIR ay hindi tumutugma sa halaga ng mga ari-arian na nakuha niya sa parehong mga taxable year.

“The same charges can be brought against conspirators and the corporate officers of the companies involved,” paalala niya.

Sinabi ni Commissioner Lumagui na masusing sinusubaybayan ng ahensya ang mga pagdinig sa Senado upang matiyak na ang lahat ng cash, ari-arian, at iba pang pinagkukunan ng yaman na ipinakita ay may tamang buwis na nabayaran.