Kasong animal cruelty, isasampa vs sekyu na naghagis ng tuta sa QC footbridge

Inirekomenda ng Quezon City Prosecutors Office ang pagsasampa ng kasong animal cruelty laban sa security guard na naghagis at nakapatay sa isang tuta sa footbridge sa Quezon City noong nakaraang taon.

Inirekomenda ng Quezon City Prosecutors Office ang pagsasampa ng kasong animal cruelty laban sa security guard na naghagis at nakapatay sa isang tuta sa footbridge sa Quezon City noong nakaraang taon.

Ayon kay Senior Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon, may sapat na dahilan para magsampa ng kasong paglabag sa Section 9 ng Animal Welfare Act of 1998 laban sa security guard na si Jojo Malicdem.

Maaaring makulong ng isa hanggang dalawang taon at magmulta ng halagang hindi lalagpas sa P100,000 si Malicdem kung mapatunayang guilty sa kaso.

Inirekomenda rin ng prosekusyon ang P12,000 bail para sa panandaliang paglaya ni Malicdem.

Nangyari ang insidente noong July 11, 2023 kung saan nakita ng complainant na si Janine Santos si Malicdem na hinagis ang kawawang tuta mula sa footbridge malapit sa isang mall sa QC.

Katwiran ni Malicdem, rumeresponde lamang siya matapos humingi ng tulong ang kapwa niya sekyu na paalisin ang mga tindera sa footbridge.

Aniya, nagkaroon ng komosyon at hindi sadya ang pagkakahulog ng tuta mula sa footbridge.

Kasama ang Philippine Animal Welfare Society sa mga complainant saban kay Malicdem.