Kaso vs cyanide fishing sa Scarborough Shoal aprub kay PBBM

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahain ng kaso laban sa mga dayuhang mangingisda na gumamit umano ng cyanide sa Scarborough (Panatag) Shoal o Bajo de Masinloc.

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahain ng kaso laban sa mga dayuhang mangingisda na gumamit umano ng cyanide sa Scarborough (Panatag) Shoal o Bajo de Masinloc.

Ayon sa Pangulo, kung mayroong sapat na basehan at ebidensya na makakalap ay dapat magsampa ng kaso ang Pilipinas.

Kasunod ito ng napaulat napaggamit umano ng cyanide ng mga mangingisdang Vietnamese at Chinese sa Bajo de Masinloc na sumisira sa likas na hanan ng lugar.

“If we feel that there is enough ground to do so, we will,” pahayag ni Marcos sa isang ambush interview sa Manila.

“I do know that there are cases of cyanide fishing before, even here in the Philippines, but I think the reason it has become more alarming is that it has become more prevalent,” dagdag niya.

Inanunsyo ng National Security Council (NSC) na iimbestigahan nito ang isyu at inatasan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na kumpletuhin ang ulat nito kalakip ang mga ebidensya.