Kaso ng tigdas-rubella bumaba – DOH

Nakapagtala ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas nang pagbaba ng kaso ng Tigdas-Rubella (MR) nitong nagdaang Abril 14 hanggang Abril 27.

Nakapagtala ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas nang pagbaba ng kaso ng Tigdas-Rubella (MR) nitong nagdaang Abril 14 hanggang Abril 27.

Sinabi ng ahensya na bumababa ng 8 na porsyento ang mga naitalang kaso, kung saan mayroon na lang 408 na kaso kumpara sa 442 na kaso noong Marso 31 hanggang Abril 13.

“All regions did not have a continuous increase of MR cases during the most recent six-week monitoring period,” pahayag ng DOH.

“Note that case counts may change as there may be late consultations and reports,” dagdag pa nito.

Samantala, ang mga batang hindi bababa sampung taong gulang ang pinakamaraming naapektuhan ng karamdaman, na umaabot sa 83 porsyento.