Kaso ng leptospirosis tumaas – DOH

Tumaas ang kaso ng mga tinamaan ng leptospirosis sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Tumaas ang kaso ng mga tinamaan ng leptospirosis sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH).

Ang dahilan nito, ang walang sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.

Umabot na sa 878 ang kabuuang kaso ng leptospirosis sa Morbidity Week 24 nitonv Hunyo 15, 2024.

Base pa sa ahensya, mula sa naitalang anim na kaso noong Mayo 5 hanggang 18, pumalo na ito ngayon sa 60 na bilang noong Mayo 19 hanggang Hunyo 1.

Bukod pa riyan, nasa 83 kaso naman ang naitala mula Hunyo 2 hanggang 15.

Dahil dito, nagpaalala ang DOH na umiwas sa paglusong sa mga baha upang hindi magdusa sa naturang sakit.