Kaso ng HIV pumapalo sa 55 kada araw

Pumalo na sa 55 ang bilang ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa isang araw.

Pumalo na sa 55 ang bilang ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ang naitatala ng Department of Health (DOH) sa isang araw.

Ayon sa ulat ni Health Secretary Teodoro Herbosa, nasa 59,000 Pilipino na ang mayroong HIV.

Sinabi ni Herbosa, upang mapigilan ang mas pagtaas pa ng mga bagong kaso ay magsasagawa sila ng hakbang para mapigilan ito.

Kasama dito ay ang pagpapataas ng kamalayan at edukasyon sa mga kabataan.

“I actually had a meeting with [Vice President] Sara Duterte, Secretary Sara, kasi we need to educate our youth,” pahayag ni Herbosa.

“They’re more, ano, nag-e-experiment and curious,” dagdag pa nito.

Samantala, nilinaw ni Herbosa na ang bilang na 59,000 ay maikokonsiderang mababa para sa populasyon ng bansa na 110 milyon.