Kaso ng HIV maaaring umabot ng 500K sa loob 6 na taon – DOH

Pumapalo sa 50 na kaso ng Human immunodeficiency virus (HIV) kada araw ang naitatala sa bansa.

Pumapalo sa 50 na kaso ng Human immunodeficiency virus (HIV) kada araw ang naitatala sa bansa.

Ayon sa Department of Health, sa loob ng anim na taon ay maaaring umabot sa bilang na 500,000 ang kabuuang kaso ng HIV.

Nasa mahigit 180,000 na kasi umano ang naitalang may HIV ngayong taon.

“Ang tantiya po namin ay nasa 185,000 may HIV at sa mga ilang taon pa ay baka umabot tayo ng kalahating milyon,” pahayag ni DOH Undersecretary Eric Tayag.

Sinabi ni Tayag na nasa 40 porsiyento lamang ang nasusuri, ito ay mas mababa kaysa sa kanilang layunin kung saan 90 porsiyento dapat ng mga at risk ang dapat magpatingin, 90 porsiyento ay dapat sumasailalim sa paggamot, at 90 porsiyento ang may maayos at magandang resulta.

Samantala, patuloy naman ang ahensya sa pagmo-monitor lalo na sa mga buntis na overseas Filipino workers at ang mga nag-iiniksyon ng mga gamot, kahit na legal na inireseta, dahil sa posibleng kontaminadong mga karayom.