Kaso ng dengue sa ‘Pinas bumababa ang bilang – DOH

Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes na patuloy sa pagbaba ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas.

Iniulat ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes na patuloy sa pagbaba ang mga kaso ng dengue sa Pilipinas.

Sa tala ng ahensya, mula Enero 28 hanggang Pebrero 10 ay nasa 5,267 na lamang ang mga kaso ng dengue sa bansa, mas mababa kumpara sa 7,434 na kaso mula Enero 14 hanggang Enero 27. Higit na mas mababa rin ito kumpara sa 8,368 na kaso mula Enero 1 hanggang Enero 13.

Mula Enero 1 hanggang Pebrero 10, nakapagtala ang ahensya ng 67 na namatay dahil sa nabanggit na sakit.

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga kaso, pinayuhan ng DOH ang publiko na patuloy na mag-ingat at isagawa ang mga hakbang laban sa pagdami ng mga lamok na may dalang dengue.

“The DOH encourages all to strengthen implementation of the 5S strategy against dengue: Search and destroy mosquito breeding sites, use Self-protection measures, Seek early consultation, Say yes to fogging where needed, and Start and sustain hydration,” pahayag ng ahensya.