Kaso ng COVID sa Bicol, tumataas!

Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang Bicol region.

Nakapagtala ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang Bicol region.

Sa huling ulat, naitala ang 28 kaso mula Mayo 12 hanggang 18, 2024, na nagmarka ng 133% pagtaas kumpara sa nakaraang linggo.

– Abril 28 hanggang Mayo 4: 7 kaso (17% pagtaas)
– Mayo 5 hanggang Mayo 11: 12 kaso (71% pagtaas)
– Mayo 12 hanggang Mayo 18: 28 kaso (133% pagtaas)

Ang Camarines Sur ang nagtala ng pinakamataas na pagtaas na may 18 kaso, sinundan ng Albay na may walong kaso. Isang kaso ang naitala sa Masbate at isa pang kaso ang isang biyahero na nagpositibo habang nasa Bicol region.

Noong Mayo 21, inanunsyo ni Sagñay Mayor Jovi Fuentebella sa social media na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Inabisuhan ng alkalde ang kanyang mga nasasakupan na mag-ingat at sundin ang mga health protocols upang maiwasang magka-COVID-19.

Sa kasalukuyan, naka-quarantine ang alkalde upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Samantala, pinayuhan ng DOH ang publiko na manatiling alerto at patuloy na magpraktis ng mga pag-iingat laban sa COVID-19, tulad ng pagsusuot ng facemask sa matataong lugar at pag-iwas sa pagiging kampante, lalo na para sa mga may comorbidities at mga hindi pa nababakunahan.