Kaso ka ngayon! Vlogger na nilaro tarsier, tinuluyan ng DENR

Sinampahan na ng kaukulang kaso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 12 ang lalaking vlogger na pinaglaruan ang dalawang tarsier sa Polomolok, South Cotabato kamakailan.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 12 ang lalaking vlogger na pinaglaruan ang dalawang tarsier sa Polomolok, South Cotabato kamakailan.

Ang vlogger ay kinilalang si Ryan Parreño, o Farm Boy sa kanyang Facebook page. Kasama ni Parreño sa kaso si Sammy Estrebilla.

Sa pahayag ni Atty. Felix Alicer, regional executive director ng DENR-12, nilabag ng vlogger ang RA 9147 o ang Wildlife Act of 2001.

Ito’y matapos niyang damputin ang dalawang tarsier at ilipat ng lugar. Depensa ni Farm Boy sa kanyang vlog, malapit na raw sa komunidad ang mga tarsier kaya kailangan nang ilipat ang mga ito.

“The filing of the case against the violators is an action taken so that the citizens would not imitate the disturbing same acts,” saad ni Alicer.

“I am calling on the public to help the DENR in protecting and preserving this wildlife species and our environment,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng batas ang mga tarsier ay itinuturing na other threatened species.