Kasama si Digong! PCG Commodore sinuka mga Pinoy na pro-China

Kinuwestyon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela ang pagka-makabayan ng ilang prominenteng personalidad sa Pilipinas na nagpa-unlak ng panayam sa isang pahayagan na pagmamay-ari ng China.

Kinuwestyon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Jay Tarriela ang pagka-makabayan ng ilang prominenteng personalidad sa Pilipinas na nagpa-unlak ng panayam sa isang pahayagan na pagmamay-ari ng China.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), ibinahagi ni Tarriela ang ilang screen shot ng mga ulat ng Global Times, dyaryong kontrolado ng China.

Bumida sa Global Times sina ex-president Rodrigo Duterte, ex-presidential spokesperson Harry Roque, at si Malou Tiquia.

Ani Tarriela, ang pagpapaunlak nila ng panayam sa Global Times ay patunay na maka-China ang kanilang pananaw, partikular sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

“These are Filipinos and they are participating in interviews or receiving coverage from a media outlet affiliated with the Chinese government. It is worth inquiring why China would allow them to be featured by their propaganda arm before buying their arguments. Obviouly, their views definitely align with China’s false narrative and misinformation about the West Philippine Sea,” saad ni Tarriela, tagapagsalita ng National Task Force for the WPS.

“Their claim that the tension in the West Philippine Sea is caused by the United States is a red herring fallacy. They are attempting to divert attention away from the fact that the escalation is actually caused by the People’s Republic of China, not the Americans,” wika pa ni Tarriela.

Paalala ni Tarriela sa mga netizen, ang maka-China na pamamahala ng nakaraang administrasyon ay hindi rin nagbunga ng magandang resulta para sa Pilipinas. Aniya, lalo lang naging agresibo ang naturang bansa sa pangha-harrass ng mga Pilipino sa WPS.