Kasama niyo kami! Romualdez tiniyak suporta ng Kamara sa militar

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kongreso at ng administrasyong Marcos sa patuloy na pagpapalakas ng kakayanan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kongreso at ng administrasyong Marcos sa patuloy na pagpapalakas ng kakayanan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

“We are committed to ensuring that your needs are met, your capabilities are enhanced, and your welfare is prioritized,” ani Romualdez sa kanyang pagbisita sa Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Command (WESCOM) headquarters sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Biyernes.

“Your dedication to our country inspires us, and it is only right that we support you with the resources necessary to carry out your noble duties,” dagdag pa nito.

Ayon kay Romualdez, mararamdaman ng kasundaluhan ang pagpapahalaga ng gobyerno sa kanila sa patuloy na pagtaas ng kanilang budget.

“The increase in your budget is a strategic decision, aimed at ensuring that our military is not only equipped but also prepared to meet the evolving challenges of national security,” paliwanag niya.

Giit ng opisyal, patuloy na aalalayan ng Kamara de Representantes ang AFP sa patuloy na modernalisasyon nito.

“Rest assured, the government is with you every step of the way, committed to providing the support and resources necessary for the safety and security of our beloved Philippines,” aniya.