Kasalang Bayan ng Ako Bicol Party List sa Catanduanes, kasado na

Ito na ang ika-anim na kasalang bayan na inorganisa ng partido, at unang pagkakataong ginawa sa Virac

CATANDUANES – Kasado na ang Kasalang Bayan ng Ako Bicol Party List sa bayan ng Virac sa darating October 28, 2023.

Umabot sa 16 na pares sa iba’t-ibang bayan ng probinsya ang napiling makasali sa libreng pagpapakasal.

Bukod pa rito, libre rin maging ang baptismal at prenup.

Bago idaos ang kasal, isinailalim din ang mga kalahok sa Confirmation nitong September 27, 2023 na pinangunahan ni Rev. Fr. Joseph Clarian Clarianes.

Nabatid na ito na ang ika-anim na Kasalang Bayang inorganisa ng partido at unang beses na gagawin sa bayan ng Virac.