Kasado na: Alok na state visit sa Canada, pormal nang tinanggap ni PBBM — envoy

Unang inimbita ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang magkita sila sa ASEAN Summit and Related Meetings sa Jakarta noong Setyembre.

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang imbitasyon ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na bumisita ito sa Canada sa 2024 sa isang official state visit.

Iyan ang inanunsiyo ni Canadian Ambassador to the Philippines David Hartman nitong Biyernes, Nobyembre 24, sa ginanap ng Foreign Service Institute (FSI) Ambassadors’ Lecture Series sa Pasay City.

“We will welcome President Ferdinand R. Marcos Jr. on a state visit to Ottawa and other cities across Canada in the interest of deepening our ties at the very highest level to prioritize our work together and to chart an ambitious way forward,” aniya.

Matatandaang una nang inimbita ni Trudeau si Marcos nang magkita sila sa sidelines ng ASEAN Summit and Related Meetings sa Jakarta noong Setyembre.