Karla Estrada inokray sa ‘Piliin Mo Ang Pilipinas’ TikTok video

Hindi nakaligtas sa mga netizens ang TikTok video ni TV host-actress na si Karla Estrada kung saan makikita na nakiisa siya sa pagsumite ng entry sa nag-trending na "Piliin Mo Ang Pilipinas" challenge sa TikTok.

Hindi nakaligtas sa mga netizens ang TikTok video ni TV host-actress na si Karla Estrada kung saan makikita na nakiisa siya sa pagsumite ng entry sa nag-trending na “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge sa TikTok.

Sa video na in-upload ni Karla, napansin ng mga fans na may double na tugtog na nakapatong sa clip na tila kinawindang ng mga netizens at umani ng samu’t saring reaksyon.

“Medyo naguluhan ako nak”

“End call ko na baks, may nag-second voice sa audio”

Patutsada ng mga netizens sa comment section ng naturang TikTok video, habang ang iba naman ay inakalang nasira ang kanilang mga cellphone dahil sa narinig nilang second voice sa video.

Matatandaang bago pa man ito, una nang nag-upload ng kaniyang entry para sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge ang Unkabogable star na si Vice Ganda.

Ayon sa mga netizen, kinabog raw ni Karla ang lahat ng naunang nag-upload ng sariling video.

Sa kabila ng lahat, patuloy rin naman ang mga bati ng mga netizens sa effort ni Karla sa pag-submit ng kanyang entry.

@karla_estrada21 Laban tayo, mga nanay, inay, mudrabelles, mumshies, basta tumatayong INA! Piliin natin ang ating pamilyang Pilipino para sa bayang Pilipinas! SALUDO! #piliinmoangpilipinas #piliinmorinangpilipinas #lovethephilippines #ASOKA #trending #fyp #foryou #viral ♬ Piliin mo ang pilipinas – Draculordシ