Karaniwang walang sintomas: 4 na kaso ng ‘walking pneumonia,’ naitala ng DOH

Pinayuhan ng Department of Health ang publiko na magdoble ingat at protektahan ang kalusugan, lalo na laban sa mga respiratory illness gaya ng walking pneumonia.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Disyembre 6, na may naitala na itong apat na kaso ng mycoplasma pneumoniae infection o “walking pneumonia” galing sa mga kaso ng influenza-like illness (ILI) na naitala nito hanggang Nobyembre 25.

“These cases have been reported in the previous morbidity weeks 3, 30, 37, and 38, with one case each. The existing surveillance is among ILI cases only,” paliwanag ng DOH sa isang mensahe sa mga mamamahayag.

BASAHIN RIN: Suot ulit ang face mask! Publiko, pinag-iingat ng DOH sa kumakalat na ‘walking pneumonia’

Batay sa datos ng DOH, tumaas ang mga kaso ng ILI sa buong bansa simula Agosto. Gayunpaman, bumababa na umano ang mga ito.

“However, the case increase has started to slow down with a total of 9,834 ILI cases reported in the recent three to four weeks or morbidity weeks 44 to 45 (Oktubre 29 hanggang Nobyember 11), about 11 percent lower than the 11,106 cases reported two weeks prior. Based on the five-year data, ILI cases are expected to continue declining in the coming weeks but are expected to rise again by the start of January,” dagdag ng DOH.

Kaugnay niyan ay hinimok ng ahensiya ang publiko na protektahan ang kalusugan sa pamamagitan ng pagsuot muli ng facemask at pagpapabakuna kontra respiratory illness.