Karagdagang bakwit, ligtas na sa gera! 8 Pinoys, 1 Palestinong kaanak, nasa Egypt na sa tulong ng PH Embassy

Mayroon pa sanang isang pamilyang Pilipino na may walong miyembro ang makakasabay sana sa mga lumikas. Bagaman mayroon na silang aprubadong exit clearance, nagbago ang kanilang isip at pinili na manatili sa Gaza para makapiling ang kanilang ama na Palestino, ayon sa embahada ng Pilipinas sa Amman, Jordan.

Walong Pilipino at isang Palestinian na kamag-anak ang nakalikas mula Gaza, at nakatawid papuntang Egypt Linggo ng umaga, Disyembre 3, ayon sa ulat ng Philippine Embassy in Amman, Jordan.

“The Philippine Embassy in Amman guided and facilitated the safe exit of the 8 Filipinos and 1 Palestinian from Gaza. They were fetched by the Philippine Embassy in Cairo at the Egyptian side of the border where they were issued transit visas to Egypt,” ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.

Mayroon pa sanang isang pamilyang Pilipino na may walong miyembro ang makakasabay sana sa mga lumikas. Bagaman mayroon na silang aprubadong exit clearance, nagbago ang kanilang isip at pinili na manatili sa Gaza para makapiling ang kanilang ama na Palestino, ayon kay Santos.

“Another Filipino with approved exit clearance reached the Rafah border crossing but decided to remain in Gaza when her Palestinian father was not permitted to exit the Palestinian side of the border,” dagdag pa ni Santos.

Ang ina naman nilang Pilipina ay nakauwi na sa bansa, dagdag pa ng embahada.

Nasa 18 na Pilipino na lang ang nananatili sa Gaza, ayon sa embahada.

Umabot na sa 119 na Pilipino ang nakalikas mula sa Gaza nang pumutok ang sigalot sa pagitan ng rebeldeng Hamas at Israel noong Oktubre 7.