Kapitan sa Muntinlupa, patay sa pamamaril

Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang barangay chairman sa Muntinlupa City nitong Miyerkules ng gabi.

Pinagbabaril ng riding in tandem ang isang barangay chairman sa Muntinlupa City nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ronaldo Loresca, kapitan ng Barangay Buli sa Muntinlupa.

Ayon sa isang saksi na kaibigan ng kapitan na si “Dennis,” nasa tabi lang daw niya si chairman nang mangyari ang insidente kaya’t maaaring isang professional shooter ang rider na hindi man lang bumaba sa kanyang motorsiklo nang pinagbabaril nito ang kapitan.

“Akala nga namin noong una, sumabog na gulong ng motor, kaya nagulat sabi pa nga ni Kap, ‘aba o’, yung lang ang nabanggit niya kasi lahat kami nags-cellphone, nakayuko lahat,” aniya.

Nang tanungin kung may banta sa kanyang buhay ang biktima, sinabi ni Dennis: “Hindi naman siya nagku-kuwento kasi pag mga ganyan wala namang ano siya kumbaga yung mga nangyayari sa kaniya hindi siya nagsasalita talaga.”

Samantala, nangakong tutulong ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa pagresolba ng kaso.