Kaperahan ni Quiboloy dapat ding usisain – Trillanes

Naniniwala si dating Senador Antonio Trillanes IV na dapat ding bulatlatin ang katotohanan sa likod ng kayamanan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Naniniwala si dating Senador Antonio Trillanes IV na dapat ding bulatlatin ang katotohanan sa likod ng kayamanan ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), nagbigay ng pahayag ni Trillanes tungkol sa ulat na itinalaga si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng KOJC Properties.

Ayon kay Trillanes, kaduda-duda kung paano nakalikom ng yaman ang pastor.

“I believe a separate full blown anti-money laundering investigation is warranted to determine the true sources of the highly questionable wealth of Quiboloy,” saad ni Trillanes.

Sa teorya ng dating senador, posibleng ginamit ng isang politiko ang pagiging tax-free ng KOJC upang makapamulsa ng limpak-limpak na salapi.

“It is very likely that a very powerful politician associated with him has taken advantage of the tax-free status of religious institutions in order to stash ill-gotten wealth,” dagdag pa niya.

Isa sa mga kaso ni Quiboloy sa Amerika ay ang bulk cash smuggling. Dito sa Pilipinas, ang mga reklamong nakahain laban sa pastor sa Kamara at Senado ay hindi konektado sa kanyang yaman.