Kapeacetahan peace fair sa Albay, Inilunsad; Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Sec. Galvez Jr., Pinangunahan ang aktibidad

LEGAZPI CITY- Pormal na inilunsad nitong Biyernes, September 15, 2023 ang Kapeacetahan Peace Fair sa Bicol University Grounds sa Legazpi City na pinangunahan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Sec. Galvez ang importansya ng pagkakaisa ng lahat ng sektor na isa sa susi para sa mas matahimik at progresibong komunidad.

Kasabay nito, inihayag din ng kalihim ang bitbit niyang good news para sa mga Bicolano tulad na lamang ng planong pagtatayo ng Peace, Unity and Development Center sa compound ng Bicol University na ikinatuwa naman ng bagong halal na presidente ng unibersidad na si Dr. Baby Boy Benjamin Nebres III.

Samantala, bahagi naman an Kapeacetahan Peace Fair sa selebrasyon ng National Peace Consciousness Month na unang pagkakataon na ginawa sa rehiyon.