Kapatid ni Teves, tiklo sa kasong terorismo

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kapatid ni dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. na si Pryde Henry Alipit Teves na isang designated terrorist sa Dumaguete City.

Kalaboso ang 51 anyos na si Teves matapos ideklarang most-wanted person (MWP) sa provincial at regional levels.

Inaresto si Teves sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 noong May 13, 2024 dahil sa paglabag sa The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

“The arrest of Pryde Henry Alipit Teves demonstrates our resolute commitment to fighting terrorism and upholding the rule of law,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Inaresto si Teves dahil na rin sa terrorist designation ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong July 26, 2024 sa bisa ng Resolution Number 43 dahil sa pagkakasangkot nito sa mga kasong pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

“The CIDG’s diligent efforts have ensured that those who threaten peace and security are brought to justice,” pahayag ni Remulla.

Nasa Php200,000.00 ang itinakdang piyansa ng korte kapalit ng pansamantalang paglaya ni Teves.

Pinuri rin ng DOJ ang CIDG sa matagumpay na pag-aresto kay Teves.