Kapal ng fezlak! Teodoro binweltahan ang China sa paratang na sinisira ng BRP Sierra Madre ang kalikasan sa WPS

Tila nakalimutan ng China kung sino ang nagpatupad ng reclamation activities doon sa karagatang sakop ng Pilipinas, ayon sa kalihim.

Binweltahan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang China matapos nitong sabihin na nagdudulot ng “irrevocable harm” sa kalikasan ang sinadsad na barko ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.

Tila nakalimutan ata ng China kung sino ang mga nagsagawa ng pagsira sa West Philippine Sea sa mga ginawa nitong reclamation activities doon, ayon kay Teodoro sa isang pahayag.

“The statement of China that the grounded Sierra Madre is causing irrevocable harm is to put it as politely as possible—hypocritical,” ani Teodoro.

“China continues to damage the WPS (West Philippine Sea) by its illegal reclamation activities in the SCS (South China Sea), and it was found to be a violator of international law in the 2016 Arbitral Award when such activities damaged the marine environment,” dagdag pa niya.

Muling iginiit ng China sa Pilipinas na tanggalin nito ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal at itinanggi na may kinalaman ang mga tauhan nila sa pagsira ng bahura doon.

“Disingenuous propaganda lines such as this only serve to expose China’s insincerity and will only heighten the mistrust by the Filipino people and the rest of the world of the Chinese government,” ani Teodoro.