Kansel muna outing! PH magiging maulap, maulan dahil sa LPA, habagat

Asahang magiging maulap at maulan ang mga susunod na araw sa Metro Manila, sa Luzon, Visayas, ang maging Zamboanga Peninsula dahil sa dalawang Low Pressure Area at sa habagat.

Asahang magiging maulap at maulan ang mga susunod na araw sa Metro Manila, sa Luzon, Visayas, ang maging Zamboanga Peninsula.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ito ay dahil dalawang Low Pressure Area (LPA) na mino-monitor nito kasalukuyan at sa pinaigting na habagat.

Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio sa pinakahuling weather bulletin ng ahensiya nitong Sabado, Setyembre 23, na namataan ang isang LPA 85 kilometro sa hilagang-silangan ng Infanta, Quezon.

Samantalang ang isa naman ay namataan 125 kilometro sa kanluran ng Iba, Zambales.

Nilinaw naman ni Aurelio na mababa lang ang posibilidad na maging bagyo ang mga naturang LPA.

Gayunpaman, nagbabala ang Pagasa na malaki ang posibilidad ng moderate to heavy rains na maaaring magdulot ng mga pagbaha.

Makakaasa rin aniya ang Mindanao ng malalakas na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.