Kanlaon Volcano nag-alburoto, Alert Level 2 itinaas

Binabantayan ng Phivolcs ang Mount Kanlaon matapos na maitala ang phreatic eruption nitong Lunes ng umaga.

Binabantayan ng Phivolcs ang Mount Kanlaon matapos na maitala ang phreatic eruption nitong Lunes ng umaga.

Umabot sa 5,000 meters ang usok na ibinuga ng bulkan na tumagal ng anim na minuto.

“The eruption produced a voluminous and incandescent plume that rapidly rose to 5,000 meters above the vent and probable short pyroclastic density currents or PDCs approximately 2-3 kilometers down the southern and southeastern slopes,” ayon sa Phivolcs.

Bago ang pagsabog ay may mga report na tungkol sa pagbagsak ng abo at sulfur na amoy sa mga lugar na malapit sa Kanlaon.

Dahil diyan, itinaas na ng Phivolcs ang Alert Level 2 dahil sa patuloy na volcanic activity ng Kanlaon.

“This means that there is current unrest driven by shallow magmatic processes that could eventually lead to further explosive eruptions or even precede hazardous magmatic eruption,” ayon sa Phivolcs.