Kampihan kontra kanser! PBBM, Romualdez, ikinagalak ang sanib pwersa ng mga kumpanya para labanan ang paglaganap ng sakit na kanser sa Pilipinas

Pinirmahan ang isang memorandum of agreement sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (AC Health) at Varian Medical Systems Netherlands B.V. kabilang na rin ang Varian Medical Systems Philippines Inc. na naglalayong palawakin ang access ng mga Pilipino sa lunas laban sa kanser, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Ikinagalak ni House Speaker Martin Romualdez ang pinirmahang kasunduan ng dalawang kumpanya na tutulong sa pagpapalaganap ng lunas sa nakamamatay na sakit na kanser.

Nasaksihan ni Romualdez at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpirma ng memorandum of agreement sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc. (AC Health) at Varian Medical Systems Netherland B.V. kabilang na rin ang Varian Medical Systems Philippines Inc.

Sa kasunduan, magtatayo ang mga kumpanya ng mga oncology clinic sa Pilipinas, at pagtitibayin ang mga pag-aaral na ginagawa sa sakit para mapahusay pa ang diagnosis, paggamot at pagpigil sa kanser.

“This collaboration between AC Health and Varian Medical Systems is a significant stride towards enhancing cancer care in our country,” paliwanag ni Romualdez.

“By combining the strengths of a respected healthcare provider and a global leader in medical technology, this partnership forged under the administration of President Marcos is poised to create a positive and lasting impact on the lives of many Filipinos affected by cancer,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ilalim ng kasunduan, magsisilbi ang Healthway Cancer Care Hospital ng AC Health bilang hub ng mga oncology clinic na matatagpuan sa buong Metro Manila. Sa ganitong paraan, mas mapapalapit sa mga pasyente ang lunas sa tulong ng Healthway network.

Nagkasundo rin ang mga kumpanya na magtutulungan sa pagsasaliksik tungkol sa kanser para mapabuti ang diagnosis, treatment, at prevention ng sakit, na isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa.

“The potential benefits this groundbreaking agreement brings to Filipino cancer patients are aligned with the priorities the House of Representatives, which include initiatives to help victims of this dreaded disease in our country,” ani Romualdez.

Ayon pa kay Romualdez, alinsunod ang kasunduan sa diwa ng Republic Act No. 11215, o National Integrated Cancer Control Act, na naglalayong labanan ang pagkalat ng sakit sa bansa.