Kami naman ang makikialam: Comelec, kakasuhan ang mga humarang sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa BSKE

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na nakatakda na nilang kasuhan ang mga opisyal sa mga lokal na pamahalaan na diumano’y hinarang ang pagpoproklama ng mga nanalong kandidato barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) o kaya naman ay nakialam sa mismong halalan.

“These local government officials have meddled during the voting, the counting of votes and even during the canvassing,” saad ni Comelec Chairman George Garcia sa isang press briefing nitong Biyernes, Nobyembre 3.

“These people are trying to influence the outcome (of the elections) and even the members of the electoral board, the barangay board of canvassers… There is a need to investigate them and file appropriate cases.”

Dagdag pa ni Garcia, kung nagawa nilang makialam sa nakaraang BSKE, maaari rin nilang gawin ito sa mga susunod na halalan.

“They will do this again in the next (midterm) elections and the next after that, which is the BSKE. So we just cannot let them get away with this,” sabi pa ni Garcia.

Kaugnay niyan, sinabi ni Garcia na ipatatawag ng Comelec ang mga deputy director for administration at deputy director upang mangalap ng mga impormasyon at ebidensiya.