Kamara sisimulan na pagtalakay sa economic Cha-cha

Magsisimula na ang House of Representatives na pag-usapan ang pagbabago sa economic provisions sa 1987 Constitution.

Magsisimula na ang House of Representatives na pag-usapan ang pagbabago sa economic provisions sa 1987 Constitution.

Sa Lunes, February 26, nakatakdang isalang sa House plenary ang Resolution of Both Houses 7 (RBH 7) na naglalayong magkaroon ng economic reform sa Saligang Batas.

“The conversion of the House into a committee of the whole, which is like a plenary session, aims to involve every one of our colleagues in discussions with our resource persons. This will facilitate proceedings leading to an eventual approval or rejection of the proposed amendments,” ayon kay Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr, isa sa author ng RBH7.

Matatandaan na ipinasa ng Kamara ang RBH7, na katulad lang ng nilalaman ng sinumite ng Senado na RBH6 para sa Charter change (Cha-cha).

Target ng mga kongresista na matapos ang pag-uusap tungkol sa Cha-cha bago ang Holy Week break.